Inulan ng samut-saring komento ang viral surprise video ng magkasintahang sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario.
Hindi nagpahuli ang 18-year-old vlogger na si Antonette sa pag bili ng kanyang regalo para kay Whamos.

Sa kanyang official Facebook page, nagbahagi ng video si Antonette. Kung saan makikita ang kanyang pagbisita sa shop ng mamahaling brand.

Binilhan niya ng belt na nagkakalahaga ng halos Php 20,000 si Whamos. Mayroon din sapatos na umabot ang presyo sa tumatagunting na Php 50,000.

Makatapos mamili ay dumiretso uwi na ang dalaga para ibigay ang surprise gift sa kanyang nobyo. Regalo niya ito para ipagdiwang ang araw ng mga puso.

Tuwang-tuwa naman si Whamos ng matanggap ang regalo ng kanyang pinakamamahal. At lalo siya natuwa dahil sa mamahaling brand nito.
Samantala, may nagviral naman na larawan kung saan makikitang kasama pala ni Antonette si Whamos sa pamimili.

Si Whamos pa daw mismo ang naging driver at kumukuha ng video kay Antonette habang nasa shop ito.
Kaya naman agad na pinutakte ng mga netizens ang couple vlogger. Kinutya ng mga ito ang scripted na vlog ng dalawa.

May mga nagsabi pa nga na ang galing umarte ni Whamos na kunwari ay talagang nasurpresa sa regalo ng kanyang nobya.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Dapat nag palit sila ng damit para hindi halata”
“Sarili nyo lang niloloko nyo sa mga scripted vlogs nyo”
“Pang best actor actingan ni Whamos ah surprise yarn?”
The post Whamos Cruz at nobyang si Antonette Gail pinutakte ng samut-saring reaksyon matapos mapansin ang kanilang scripted surprise vlog appeared first on Pilipinas Trending.
Whamos Cruz at nobyang si Antonette Gail pinutakte ng samut-saring reaksyon matapos mapansin ang kanilang scripted surprise vlog
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment