Sa edad na 17, panibagong achievement na naman ang na-unlock ng Kapuso young actress na si Jillian Ward.

Kamakailan nga lamang ay nag-flex ni Jillian sa kanyang Instagram post na proud BMW owner na siya.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Jillian, makikitang nakasandal habang nakasuot ng black dress at high-knee socks ang aktres sa kaniyang sasakyan.

“My new baby car,” caption ni Jillian.
View this post on Instagram
Marami naman ang agad humanga at natuwa sa achievement na iyon ni Jillian. Imagine nga naman, at her age, may sariling car na ang Kapuso actress at BMW pa.

After 3 mos. ay mas lalo namang pinabilib ni Jillian ang marami dahil sa panibagong kotse na kanyang nabili.

Kahapon, March 10, ay pina-wow ngang muli ni Jillian ang kanyang mga fans and followers. Ito ay ng ibahagi niya ang larawan niyang nakasuot ng black overall.

At nakatayo sa harap ng isang black Porsche sports car, simpleng caption dito ng batang aktres. “My first sports car. @porsche”
View this post on Instagram
Kahit pa nga kaka-17 lang ni Jillian last month ay talagang pinatunayan niya na hindi na siya ang dating ‘Trudis Liit’.

Isa na talaga siyang ganap na dalaga at kahit sa murang edad ay nakakabili na siya ng mamahaling bagay. Ito ay katas ng kanyang pagtatrabaho, hard work pays off kumbaga.

At hindi naman maikakaila na isa si Jillian sa mga batang aktres sa kanyang henerasyon na mahusay umarte. Dagdag points pa na isa din siya sa may pinka magandang mukha sa showbiz.
The post 3 Months after makabili ng BMW, Jillian Ward sports car naman ang ibinida! appeared first on Pilipinas Trending.
3 Months after makabili ng BMW, Jillian Ward sports car naman ang ibinida!
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment