Ayon sa kasabihan, kapag may tiyaga may nilaga. At ito nga ang napatunayan ng online seller ng mga ukay-ukay na si Shaira Earl Algara.

Si Shaira ay isang simpleng online seller, na kumakayaod para matustusan ang kanyang pag-aaral at pangangailangan sa eskwela.

Gamit ang kanyang Facebook account ay nagpopost siya ng kanyang mga paninda. At isa nga sa mga ito ay ang ukay-ukay na mga damit.

Gaya na lamang ng mga t-shirt, panatalon, shorts, at kung anu-ano pa. Ngunit tila naka-jackpot si Shaira sa isang damit.

Kung titignan ay isang simpleng Black T-shirt lamang ang kasama sa mga ipinost ni Shaira na kanyang paninda.

Vintage shirt kung tawagin, ang presyo lang niya dito ay 100-150 pesos. Ngunit laking gulat ni Shaira na nagkaroon ng bidding sa comment section ng kanyang live selling.

Una may nag-offer ng one thousand, naging 15 thousand, naging 18K, hanggang sa umabot na ang offer sa 60 thousand. At sa huli nabili ang isang t-shirt lang sa halagang 90 thousand pesos.

Gulat na gulat si Shaira sa nangyaring iyon dahil hindi niya lubos akalain na ganun ang presyo ng t-shirt na kasama sa kanyang nakuhang ukay bale.

Para kasi sa mga vintage collector ay limited edition daw pala ang nasabing t-shirt. Legend na kung tawagin at good deal daw iyon sa ganoong halaga.

Na-feature tuloy sa Shaira sa ilang ulat dahil sa vintage shirt na iyon. At laking pasalamat naman niya sa swerteng dumapo sa kanya.

The post Online Seller ng ukay-ukay, naka-jackpot, isang tshirt sa kanyang paninda nabili ng P90K appeared first on Pilipinas Trending.



Online Seller ng ukay-ukay, naka-jackpot, isang tshirt sa kanyang paninda nabili ng P90K
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment