Nakilala si Beauty Gonzales noon ng sumali ito sa reality show ng kapamilya network noon na PBB teen edition.
At mula dito pinasok na ng aktres ang mundo ng showbiz. Pero hindi lingid sa kaalaman ng marami dati pa man ay sikat na sa hometown nito ang aktres.

Dahil napabilang ito sa 12 prettiest teen na patimpalak na siya din ang kinoronahan sa bayan nitong Cebu noong taong 2006.

Gayunpaman nakapag asawa naman itong si Beauty noong taong 2007, sa isang businesman at Art curator na si Norman Crisologo.

Matapos nga ng pagpapakasal ng dalawa ay naging usapin ito dahil dati na din palang may asawa si Norman na si Max Eigenman.
At isa pang naging isyu ay ang pagkakalayo ng edad nila, dahil kinasal dito si Beauty sa edad lamang na 29 samatala si Norman noong taong iyon ay 55 na.

Kung tutuusin may 25 na taon ang agwat ng dalawa. Dahil na nga dito may ilan pang nagsasabi na pera lamang ang habol nito dito.

Pero kanila itong tinuldukan dahil sa isa nila noong panayam. Sinabi nila na ang age gap daw nila ang mas lalong nagpatibay sa pagsasama nila.

Ani naman dito ni Beauty sa naturang panayam na iyon malaki ang nagbago sa buhay niya at pananaw ng makilala niya si Norman. Ito daw kasi ang nagsilbi niyang taga gabay sa lahat ng gagawin niya.

Saad ni Beauty, “My whole life changed when I met Norman. Maraming nangyari sa career ko. He’s my mentor. He’s my everything. That was one of the biggest changes, na-uplift yung career ko when I met him. I’m happy he came at the time, he guides me very well kasi we really help each other”,

Sa ngayon mas tumibay ang pagsasama nila lalo nitong taong 2016 sinilang na ang una nilang anak.
The post Pinatunayan ni Beauty Gonzales at Norman Crisologo na age doesn’t matter. appeared first on Pilipinas Trending.
Pinatunayan ni Beauty Gonzales at Norman Crisologo na age doesn’t matter.
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment