Matapos ibalita sa kanyang pamilya na buntis siya sa ika-apat na pagkakataon. Aminado si Drew Arellano na hindi na siya nasorpresa sa ibinalita ng misis na si Iya Villania.

Noong January inanunsyo ni Iya na paparating na ngang muli ang kanilang 4th baby. Aniya expected na daw nilang mag-asawa iyon.

Sa online launch ng product endorsement ni Iya, ibinahagi niya ang naging reaksyon ng kanyang pamilya ukol sa kanyang 4th pregnancy.

Aniya, “Well yung mga kids hindi nila masyadong gets except maybe si Primo. Si Primo was actually hoping to have a baby sister. Very particular pa siya, ‘I want two baby sisters.’ Si Drew naman, hindi na rin siya nagulat. Kasi parang ginusto rin namin ito. Akala kasi namin hanggang three lang kami lalo na the third turned out to be a girl. I clearly remember nung iniri ko si Alana, yung iyak ko, ‘Yes iniri ko siya but it was also yes hindi na ‘to mauulit pa. Finally puwede ko ng tapusin itong panganganak na ‘to dahil hindi siya madali.’

“But as we were watching them grow, lalo na with Alana’s age now nakikita namin na she’s interacting with her brothers tapos yung personality niya lumalabas.”

Ayon pa kay Iya tila naad1k daw siya sa pagkakaroon ng baby dahil ibang saya ang naidudulot nito sa kanilang pamilya.

“Naging trap eh. I’m telling you, you get to three kids and it’s a trap. You will want to have more. Ganun siya. Wala eh, the energy, the love, the joy that they bring, it’s so addictive that you just want to have more babies. Kaya hindi na nagulat si Drew”

Mahigit pitong taong kasal sina Kapuso couple Iya at Drew Arellano. Mula noon, sila ay nabiyayaan ng tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana Lauren.
The post Iya Villania ibinahagi ang pakiramdam sa pagkakaroon ng sunud-sunod na babies, ‘It’s so addictive!’ appeared first on Pilipinas Trending.
Iya Villania ibinahagi ang pakiramdam sa pagkakaroon ng sunud-sunod na babies, ‘It’s so addictive!’
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment