Mariing pinabulaanan ni Sunshine Cruz ang balitang buntis diumano ang kanyang anak na si Sam.

Hindi pa din nga nawawala ang bulong bulungan ng mga Marites. Tungkol sa anak na dalaga nina Sunshine at Cesar Montano na si Sam.

Hanggang ngayon kasi ay ipinipilit nila na buntis daw ang dalaga. Ito ay dahil sa mga larawan nito na halata daw diumano ang ibang umbok ng tiyan nito.

Ani ng ilan halatang halata daw na baby bump iyon at hindi basta busog lang na pagkalaki ng tiyan.

Nauna ng itinanggi ni Sunshine ang balitang iyon at sinabing fake news daw ito. Nagbanta pa nga ang aktres na piliin ng mga netizens ang nais nilang paglaruan at hindi ang anak niya lalo pa’t menor de edad pa lamang ito.

Ngunit hindi papatinag ang mga Marites dahil sa post kamakailan ni Sunshine ay muli na namang nilang pinagusapan ang pangangatawan ni Sam.

Sa nasabing post nakasuot kasi ng green na dress si Sam. Aakalain ng na may baby bump ito dahil sa bestidang suot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Sa comment section ay doon na inusisa ng mga Marites na buntis nga ang dalaga. Sinagot naman ito ni Sunshine at sinabing tigilan na nila dahil mali ang balitang iyon.

Ni-repost din ni Sunshine sa kanyang IG Stories ang screenshot ng mga komento.

Nilagyan niya rin ito ng caption na, “Minamadali nyo naman ako maging lola. I hope this answers question. I deleted some comments dahil dumarami na sila. Eto ang isa sa nagiging rason kung kaya maraming tao o kabataan ang sobra king mag edit ng kanilang mga katawan at mukha sa social media. Let’s be more sensitive towards other people. Maganding gabi”

The post Sunshine Cruz sa mga nagpapakalat na buntis ang kanyang anak, ‘Minamadali niyo naman ako maging lola’ appeared first on Pilipinas Trending.



Sunshine Cruz sa mga nagpapakalat na buntis ang kanyang anak, ‘Minamadali niyo naman ako maging lola’
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment