Umalma ang kapatid ni Toni Fowler na si Mari Fowler. Ukol sa paratang ni Madam Kilay tungkol sa may bayad diumano na awards.

Kamakailan nga sa kanyang Facebook post, isiniwalat ni Madam Kilay ang diumano’y ‘Budol Awards’.

Aniya, kaya daw siya hindi napasali sa mga nabigyan ng awards sa katatapos lang na tinutukoy niyang event. Ay dahil may bayad daw umano bago matanggap ang nais na parangal.

Kalakip ng kanyang pahayag, “Hindi ako mag PAPABUDOL SA GANYAN! Kahit may pera ka pa mag-focus ka sa quality ng product mo and alagaan mo!”

Nang magviral naman ang post na ito ni Madam Kilay, umalma naman ang kapatid ni Toni na si Mari ukol dito.

Sa kanyang Facebook live ay nagbigay siya ng kanyang opinyon. Napanood daw kasi niya ang video ng di niya pinangalanang influencer. Inulit niya ang naging pahayag nito na , “Wala akong intensyon na hindi maganda. Ang intensyon ko lang ay buksan ang isip ng ibang tao sa opinyon ko, tulad din ng ginagawa ng ibang tao”

Ayon kay Mari may point din naman daw ito sa kanyang statement.

“Gusto ko lang sabihin na let’s give her the benefit of the doubt. Kasi nung pinanood ko yung live niya, na clip doon, actually sa YouTube ko lang din nakita yun eh. Nakalagay dun na, ‘Hindi ako nagpapatama ng mga vloggers. Ang gusto ko lang eh buksan yung isip na pwedeng ganito, pwedeng ganyan.’ Possible din naman yung ano niya, meron din naman siyang point doon.”

Ang hindi lang daw niya nagustuhan ay ang paggamit ng word na ‘sc4m’ dahil ibang usapan na daw iyon.

Sa huli saad ni Mari, “Let’s just be positive sa possible na mangyari dun sa event na yun, hindi lang about dun sa organization na yun.”

The post Mari Fowler may sagot sa naging pahayag ni Madam Kilay tungkol sa ‘Budol Awards’ appeared first on Pilipinas Trending.



Mari Fowler may sagot sa naging pahayag ni Madam Kilay tungkol sa ‘Budol Awards’
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment