Viral ngayon ang video ni Angelica Panganiban kung saan makikita na siya ay naging emosyonal. Nang malaman na siya ay buntis na.

Ang nasabing video ay ibinahagi ng isa sa malapit na kaibigan ni Angelica na si Alora Sasam. Matatandaan na kahapon lamang March 20, ay ipinahayag na ni Angelica sa publiko na siya ay nagdadalangtao na sa magiging panganay nila ng non showbiz boyfriend na si Gregg Homan.
View this post on Instagram
Matapos naman ng anunsyong ito ni Angelica ay excited na din si Alora na sa wakas ay mailalabas na niya ang kanyang resibo.

At ito nga ay ang video ni Angge na sobrang saya nang malaman na siya ay magiging mommy na. Isa kasi si Alora sa mga unang sinabihan ng aktres tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Ani Alora sa kanyang post, “Nagpost na ang Mamah, pwede ng maglabas ng resibo. Congratulations madam!!! Isang karangalan na mapasama sa araw na nalaman mo ang napakasayang blessing na ito. Chuskopo gigil pa ng yakap ko sayo pagkita natin sabay buhat pa, bago mo ipakita sa akin ang ebidensya.”

“Sakit panga ko kakangiti habang pinagmamasdan kang in shock, iyak-iyak, excited, di mapakali na ewan”
View this post on Instagram
Sa pagtatapos ng kanyang post ay hiling at dasal ni Alora sa kaibigan ay ang magandang kalusugan nito at ng paparating nitong baby.
The post Video nang malaman ni Angelica Panganiban na siya ay buntis na trending ngayon sa social media appeared first on Pilipinas Trending.
Video nang malaman ni Angelica Panganiban na siya ay buntis na trending ngayon sa social media
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment