Maraming netizens ang nawindang sa palitan ng mensahe ng dating magkasintahan na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Kamakailan lamang ay nag-flex si Barbie ng kanyang new hair color. Kulay pula na ang buhok ngayon ng Kapamilya actress na mas lalong nagpatingkad ng kanyang kagandahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Maraming fans nga ng dalaga ang napa-wow sa kanyang new look anila mas naging tisay daw ang dating ng aktres.

At isa nga din sa napa-react sa larawan ni Barbie ay ang dating nobyo na si Diego Loyzaga. Sa comment section saad ng aktor, “Poison ivy?”

Natuwa naman ang mga netizens lalo na ang kanilang mga fans sa naging sagot ni Barbie dito. Aniya,  “@diegoloyzaga ako nga pala yung sinayang mo HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA.”

Muling hirit naman ni Diego, “@msbarbieimperial r u suuuuure? (thinking face emoji).”

Dahil sa sagutan na ito ng dating magkasintahan ay tila umasa ang kanilang mga supporters na mukhang may comeback na magaganap.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay inamin nila sa publiko na sila nga ay hiwalay na. Ito ay matapos ang isang taon nilang relasyon na sinubaybayan din ng publiko.

Una na ngang nagpakilig at nagbigay pag-asa na magkakabalikan sila ay nang muli silang mamataan na magkasama sa isang restaurant sa Pasig.

Ito ay ilang araw lang ang nakalipas nang makabalik sa Pinas si Diego galing ng ibang bansa. Ngunit sa nakalipas na panayam ni Diego sinabi nito na magkaibigan na lang sila ngayon ni Barbie.

The post Diego Loyzaga sumagot sa pahayag ni Barbie Imperial na “Ako nga pala yung sinayang mo”, mga netizens nawindang! appeared first on Pilipinas Trending.



Diego Loyzaga sumagot sa pahayag ni Barbie Imperial na “Ako nga pala yung sinayang mo”, mga netizens nawindang!
Source: Pinoy Hokage

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment