Good vibes na namang muli ang hatid ni Mariel Padilla sa kanyang latest live sa social media.

Nakaraang linggo lamang ay maraming netizens ang naaliw sa first ever online live selling ni Mariel. Umabot nga ito sa halos 7 milion views sa Facebook at iba pa sa Instagram.

Sobrang energetic kasi ni Mariel na tila nagho-host pa din ng noon time show habang nagbebenta ng kanyang mga kagamitan.

Kahapon naman, March 20, ay muling nag-live si Mariel para naman mamigay ng sampung bike sa kanyang mga followers. Bilang pasasalamat umano sa mga sumusuporta sa kanyang negosyo.
At muli ay good vibes na naman ang ibinigay ni Mariel sa kanyang mga fans and followers dahil sa napakataas na energy niya.

Ngunit hindi lang ang kanyang energy at ang pamimigay niya ng bisikleta ang kinaaliwan ng madla. Dahil tuwang tuwa ang marami sa naging epic reaction ni Mariel.

Ito ay nang mahulog ang electric fan na kanyang ginagamit habang siya ay naka-live. Napatili si Mariel pero cool na cool at kalmado niya pa ding naipaliwanag ang nangyari.

Agad ngang naging meme sa TikTok ang video clip na iyon ni Mariel habang pinapaayos ang electric fan.

Isang TikToker ang gumawa agad ng pharody video at ginaya si Mariel. Ikinatuwa naman ito ng misis ni Robin at ibinahagi niya ito sa kanyang IG post.

Aniya magmula daw ngayon ay si Jules Eusebio na ang favorite TikToker niya dahil gayang gaya nito ang kanyang reaksyon. And the way niya iarte ang kanyang mukha.
View this post on Instagram
Maraming netizens din ang nagpahayag na tuwang tuwa sila kay Mariel na laging good vibes ang hatid sa tuwing napapanood nila ito.
The post Mariel Padilla muling nagbigay goodvibes dahil sa epic reaction niya nang mahulog ang electricfan habang naka-live appeared first on Pilipinas Trending.
Mariel Padilla muling nagbigay goodvibes dahil sa epic reaction niya nang mahulog ang electricfan habang naka-live
Source: Pinoy Hokage
0 comments :
Post a Comment